^

Punto Mo

EDITORYAL - Dahil sa ‘reward system’ daming napatay na inosente

Pang-masa
EDITORYAL - Dahil sa �reward system� daming napatay na inosente

AYON sa isang human rights groups, lampas 12,000 ang mga napatay sa kampanya ng war on drugs ng Duterte administration noong 2016. Hindi raw tama ang sinasabing mahigit 6,000 ang napatay ng mga pulis sa drug operations.

Ang paniwalang 12,000 ang biktima ng extrajudicial killings ay maaring may katotohanan sapagkat mayroong ipinagkakaloob na pabuya o reward ang mga pulis na makakapatay ng drug pushers o maski drug addict. Dahil may pabuya na umaabot umano sa P20,000 hanggang P1-milyon, nagkukumahog ang mga pulis na makapatay ng drug pushers o mga taong sangkot sa illegal drugs.

Ang masakit lang, marami ang napagkamalan lang—dinampot ng mga pulis at pinatay. Mas masakit pa, may mga nadamay sa police operations at hindi na nakakuha ng hustisya. Balewala lang kung tinamaan ng ligaw na bala habang namamaril ang mga pulis nang ipatupad ang “Oplan Tokhang’’. Kasama raw iyon sa pagpapatupad ng batas—ang may matamaan sa gitna ng operasyon ng mga pulis.

Katulad nang nangyari sa isang 9-anyos na batang lalaki sa Camarin, Caloocan City na tinamaan ng ligaw na bala habang may operations ang mga pulis noong Disyembre 2, 2016. Sinabi ng ama ng bata na nasa harap ng isang computer shop ang kanyang anak na si Lenin at nagtitiklop ng mga kurtina nang umalingawngaw ang mga putok.

Pinuntahan umano niya si Lenin at nakita niyang nagtago ito sa computer shop kasama ng iba pa. Hindi umano siya nag-alala sa kalagayan ng anak dahil ligtas naman ito sa computer shop. Nagbalik siya sa bahay. Makaraan umano ang ilang minuto, sinundo siya ng isang lalaki at sinabing tinamaan ng bala si Lenin. Dinala umano nila si Lenin sa ospital pero dead on arrival ito. Bukod kay Lenin, dalawa pang babae ang namatay makaraang tamaan ng bala. Humihingi ng hustisya ang ama sa pagkamatay ng anak. Inosente umano ang kanyang anak.

Marami pang namatayan dahil sa pagpapatupad ng war on drugs ng Duterte administration at humihingi sila ng hustisya. Nadamay lamang ang kanilang anak sa walang habas na pagpapaputok ng baril sa isinagawang drug operations. Naging masigasig ang mga pulis sa paghahanap ng mga sangkot sa illegal na droga. Wala nang tanung-tanong pa at niraratrat ang drug suspect.

Mas maraming mapatay na drug suspect, malaki ang reward. Isiniwalat ito ni dating police colonel at PCSO manager Royina Garma sa pagdinig ng House quad committee noong Biyernes. Itinuro niya si dating President Duterte na may pakana ng reward system at extrajudicial killings. Magsagawa pa nang mga malalim na pag-iimbestiga sa mga isiniwalat ni Garma.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with