Mayang (15)

MAHABA ang Lardizabal St. sa Sampaloc, pero pinagtiyagaan ni Jeff na hanapin ang numero na natandaan niyang sinabi sa kanya ni Mayang noong nasa Dubai pa sila. Natatandaan niyang sabi ni Mayang, nakatira sa may bungad ng Lardizabal ang kaibigan na nagngangalang Puri. Sabi ni Mayang, naging magkaibigan sila ni Puri noong nag-aaral sila sa isang unibersidad sa Recto Avenue.

Hanggang sa makita ni Jeff ang numero ng apartment.

Kumatok siya sa pinto. Walang nagbubukas. Inulit niya ang katok.

Maya-maya may nagbukas. Babae. Maganda.

“Good morning Mam. Ikaw ba si Puri na kaibigan ni Mayang?”

“Oo ako nga. Bakit?’’

“Puri may alam ka ba tungkol kay Mayang?’’

(Itutuloy)

Show comments