^

Punto Mo

Mayang (14)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PAGKATAPOS ipagkaloob ni Mayang ang sarili kay Jeff, umuwi na sila sa probinsiya. Masaya sila habang pauwi. Sabi ni Mayang, ipakikila raw siya sa mga magulang nito. Excited naman si Jeff. Gusto rin niyang makilala ang mga magulang ni Mayang.

Pasado alas dos ng hapon nang makarating sila sa bahay nina Mayang. Yun ang bahay na tinitirahan ngayon ni Lolo Nado. Ipinakilala siya ni Mayang sa mga magulang nito. Mabait ang mga magulang ni Mayang. Inasikaso siya ng mga ito.

Doon na siya pinatutulog pero nagpilit si Jeff na bumalik sa Maynila dahil may mahalaga siyang lalakarin kinabukasan.

Bago umalis, inulit niya kay Mayang ang pangako na magpapakasal sila. Babalik siya at tutuparin lahat ang mga plano.

Mahigpit silang nagyakap ni Mayang. Hinalikan niya ito.

Iyon ang huli nilang pag-uusap ni Mayang.

Makalipas ang isang buwan, nagbalik uli siya sa Dubai. Hanggang sa maaprubahan ang kanyang aplikasyon sa New Zealand.

Umuwi uli siya ng Pilipinas at inasikaso naman ang pagtungo sa New Zealand. Hanggang makarating siya sa New Zealand.

Nangyari ang lahat nang iyon na hindi man lang niya naaalalang tawagan o puntahan kaya sa probinsiya si Mayang.

Mas naging prayoridad niya ang pagkita nang malaki sa New Zealand. Nawala na sa isipan niya si Mayang.

Napabuntunhininga si Jeff. Kasalanan niya! Siya ang dapat sisihin kung bakit nagkalayo sila ni Mayang. Wala siyang kuwentang lalaki na inuna pa ang pagkita ng pera at hindi nagkaroon ng panahon sa babaing pina­ngakuan niya.

Nagulat si Jeff nang makitang pumapasok na sa terminal ang bus na sinasakyan. Nasa Maynila na sila.

KINABUKASAN, ipinagpatuloy niya ang paghahanap kay Mayang. Nagtungo siya sa isang kalye sa Sampaloc. Magbabakasakali siya na puntahan ang kaibigang babae ni Mayang. Baka may nalalaman ito sa kinaroroonan ni Mayang.

Hinahanap niya ang address na natandaang sinabi ni Mayang. (Itutuloy)

vuukle comment

MAYANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with