Lalaki, 1-araw nag-panhik-panaog sa hagdan para matapatan ang taas ng Mount Everest!

ISANG lalaki sa Las Vegas ang gumugol ng halos 23 hours sa pag-akyat at pagbaba sa hagdan ng kanyang bahay upang ma-achieve ang Guinness World Record para sa titulong: “Fastest Time to Ascend and Descend the Height of Mount Everest on Stairs”.

Si Sean Greasley ay kinailangang magpaulit-ulit na umakyat at bumaba sa hagdanan ng may sukat na 29,031 feet at 5.5 inches upang pantayan ang taas ng Mount ­Everest. Ibinahagi niya nang live ng kanyang record breaking ­attempt sa YouTube, at natapos niya ito sa loob ng 22 hours, 57 ­minutes, and 2 seconds.

“Nagdesisyon akong ma-break ang record na ito dahil wala pang nakagagawa nito,” sabi ni Greasley sa Guinness World Records. “Gusto kong makalikom ng pera para idonate sa mga suicide prevention foundation, kaya naisip kong pagsamahin ang dalawang layuning ito sa isang malaking misyon.”

Kuwento pa ni Greasley, gumawa siya ng ilang sariling rules habang isinasagawa ang kanyang record breaking attempt, kabilang ang hindi paghawak sa railings ng hagdan, dahil ayon dito ay “wala namang ganoon sa Everest.”

Show comments