^

Punto Mo

Mayang (13)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PATULOY si Jeff sa pag-alala sa mga masasayang araw nila ni Mayang sa Dubai. Si Mayang ang una niyang girlfriend at siya naman ang unang boyfriend ni Mayang. Kaya nang una silang magkakilala ay nagkakahiyaan pa sila. Pero nang tumagal at nakilala na nila ang isa’t isa, naging maligaya ang bawat araw sa kanila. Ayaw na nilang matapos ang araw at gusto ay laging magkasama.

Hanggang sa mapagkasunduan nila na sabay uuwi sa Pilipinas para magbakasyon. Ipakilala rin daw siya ni Mayang sa mga magulang nito na nasa probinsiya. Excited siya sa sinabi ni Mayang. Gusto rin niyang makilala ang mga magulang ni Mayang. Gusto niyang ipakita sa mga ito na mahal na mahal niya si Mayang.

Bago ang naka-eskedyul nilang bakasyon, nag-aplay si Jeff ng trabaho sa New Zealand. Noon pa ay may balak na siyang mag-iba ng trabaho.

Ang kanyang balak na pag-iiba ng trabaho at pagtungo sa ibang bansa ay ipinaalam niya kay Mayang. Hindi naman tutol si Mayang sa mga plano niya.

Natuloy ang pagbabakasyon nila sa Pinas. Masayang-masaya sila. First time na magkasama silang uuwi. Sa eroplano ay magkatabi silang nakaupo.

Nang dumating sila sa Pilipinas, namasyal muna sila ni Mayang bago umuwi sa probinsiya. Nasabik sila sa pagbabalik-bayan.

Subalit may nangyari na hindi kasama sa plano. Nagmahalan sila ni Mayang. Humantong sila sa motel. Ipinagkaloob ni Mayang ang sarili sa kanya—buung-buo.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with