‘Pako’

(Part 3)

KAPAG nagkamali ako sa pagtitimbang ng pako o kaya’y nagkamali sa pagbibigay sa kustomer, sagad sa buto akong mumurahin ng amo kong Intsik at asawa nitong Pilipina na dati rin namang katulong sa hardware.

Ang matindi pa, hindi ako pakakainin ng isang araw at babawasan ang suweldo. Karampot na nga lang ang suweldo ay babawasan pa.

Sa tindi ng hirap at napapaiyak na lamang ako habang nagsisilid ng pako sa mga supot. Kung hindi sana ako maagang naulila, hindi mangyayari sa akin ito. Hindi ako magpapaalila. Pero kahit ilang beses akong maghimutok, hindi na maibabalik ang mga nangyari. Dapat ay mag-isip ako ng paraan kung paano makakakita nf bagong papasukang trabaho na mabait ang amo.

Mula naman nang maparusahan ako, pinagbutihan ko na ang ginagawa. Mahirap kapag nagkamali. Masakit ang parusa.

Hanggang isang araw ay may nakilala akong pahinante ng truck na laging nagbibiyahe sa Maynila. Nakiusap akong sasabay sa kanila.

(Itutuloy)

Show comments