Lolo na nakapag-ani ng pinakamabigat na bell pepper, nakatanggap ng Guinness World Record!

ISANG 81-anyos na la­laki sa United Kingdom ang nakapagtala ng world record matapos siyang makapagpatubo at umani ng pinakamabigat na bell pepper sa buong mundo!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Record na si Ian Neale ng South Wales ang pinakabagong record holder ng titulong “Heaviest Bell Pepper” matapos niyang anihin ang itinanim niyang bell pepper na may bigat na 966 grams.

Itinanghal sa publiko ang bell pepper ni Neale sa event na Malvern Autumn Giant Vegetable Show.

Hindi ito ang unang beses na manalo si Neale sa pa­lakihan ng inaning gulay dahil noong nakaraang taon, nanalo ang kanyang repolyo na may bigat na 30.2 kilograms.

Show comments