‘Pako’

(Part 2)

NAMASUKAN ako sa isang hardware na pag-aari ng isang Intsik. Ang naging trabaho ko ay ang paghihiwalay ng mga pako at paglalagay sa kanya-kanyang lalagyan. Ako rin ang nagla­lagay sa mga pako sa supot para basta na lamang dadamputin kapag may binili. Tinitimbang ko muna ang mga pako bago isupot. Sa paghihiwalay sa mga pako ay nagkakasugat-sugat ang palad ko. Mas mahirap isupot ang mga pakong maliliit dahil nasasaksak ang daliri ko.

Kapag nagkamali ako, mura ang ­inaabot ko sa among Intsik. Hindi lamang ang may-aring Intsik ang nagmumura sa akin kapag nagkakamali kundi pati na rin ang asawa nitong Pilipina. Walang pakundangan kung magmura ang amo kong babae na para bang hindi siya galing sa pagiging utusan ng Intsik. Ang amo kong babae ay dating katulong ng Intsik.

Gaya minsan, minura ako ng amo kong Intsik dahik mali ang naibigay kong pako sa customer. Isinauli ng customer.

Harap-harapan akong minura ng Intsik. Hindi ko makain ang mga sinabi.

Ang masakit pa, minura rin ako ng among babae.

(Itutuloy)

Show comments