Lalaki na nag-dribble ng bola habang nakapiring, nakatanggap ng Guinness World Record!

ISANG lalaki sa Idaho ang nakapagtala ng world record matapos niyang mag-dribble ng bola habang nakapiring ang mga mata sa loob ng mahigit isang oras!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si David Rush ang pinakabagong record holder ng titulong “Longest Duration Dribbling a Basketball Blindfolded”. Ito ay matapos siyang makapag-dribble ng bola habang nakapiring ang mga mata sa loob ng 1 oras, 37 minuto at 2 segundo.

Ayon kay Rush, pangalawang attempt na niya ito dahil ang noong unang beses niyang sinubukang ma-break ang world record title na ito ay na-disqualify ang kanyang entry dahil nakaupo siya habang ginagawa ito.

Si David Rush ay serial record breaker at kasalukuyan ay siya na ang may pinakamaraming concurrent record holder title sa buong mundo. Sa kasalukuyan, may mahigit 182 world record titles na si Rush at wala pa siyang balak na tumigil sa pag-break ng mga world record.

Show comments