Mayang (11)

“Pagbalik ko, marami pa akong ibibigay sa iyo, Lolo Nado,” sabi ni Jeff.

“Maraming salamat Jeff. Hayaan mo at magtatanung-tanong ako ukol kay Mayang.”

“Salamat, Lolo.’’

“Sige mag-ingat ka sa biyahe. Kailan ka babalik dito?”

“Bago po ako magtungo sa New Zealand ay babalik ako rito. Pero pipilitin ko po na bago bumalik sa New Zealand ay makita na si Mayang. Hindi ko po makakaya na hindi siya makita at makausap. Marami po akong sasabihin sa kanya at ipapaliwanag.’’

“Sige, Jeff. Salamat uli sa bigay mo.”

Umalis na si Jeff.

Nang lumingon siya sa pinanggali­ngan ay nakita niyang nakatanaw pa sa kanya si Lolo Nado.

Nagtungo sa bus terminal si Jeff.

Isang bus na papaalis patungong Maynila ang sinakyan niya. Ilang minuto nang siya ay makaupo ay umalis na ang bus.

Habang tumatakbo ang bus, si Mayang ang iniisip niya.

Paano niya makikita si Mayang?

Mapatawad kaya siya nito?

Ilang beses siyang napabuntunghininga.

(Itutuloy)

Show comments