^

Punto Mo

Pabakunahan ang mga anak

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NAALALA ko nang magkaroon ng polio outbreak sa bansa noong Setyembre 19, 2018. Matagal nang nawala ang polio sa Pilipinas mula pa noong 2000 at marami ang nangamba na pagkaraan nang maraming taon ay muli itong nagbalik. Nabatid na maraming magulang lalo na ang mga nasa liblib na lugar na hindi pinababakunahan ang kanilang mga anak kaya dinapuan ng polio. Ang maruming tubig, kawalan ng sariling toilet ang dahilan kaya kumakalat ang poliovirus.

Noong Hunyo 2021, dineklara ng Department of Health na tapos na ang pananalasa ng poliovirus sa Pilipinas. Pinuri ng World Health Organization (WHO) ang pamahalaan dahil sa maigting na kampanya noong 2019 para mawala ang virus. Nagsagawa nang malawakang anti-polio vaccination campaign ang DOH at naging matagumpay ito.

Sa kasalukuyan, naglunsad ang DOH at Department of Education (DepEd) ng programang “Bakuna Eskwela” upang maprotektahan ang mga batang mag-aaral laban sa tigdas, rubella, tetanus, diphtheria at human papillomavirus. Sa ilalim ng proyekto target mabakunahan ang 3.8 milyong mag-aaral sa pampublikong paaralan na naka-enrol sa Grade 1 at 7. Target ding mabakunahan ang 973,930 babaeng mag-aaral sa Grade 4 laban sa HPV. Ang HPV ang pinagmumulan ng cervical cancer. Ipa­tutupad ang kampanya sa public schools sa buong bansa hanggang Nobyembre 2024.

Nararapat samantalahin ng mga magulang ang “Bakuna Eskuwela” para maprotektahan ang mga anak laban sa sakit. Mahalaga ito lalo’t dumarami ang nagkakasakit ng tigdas, dipterya, rubella at iba pa. Ingatan ang mga anak laban sa mga sakit. Dalhin ang mga anak sa eskuwelahan na nagsasagawa ng “Bakuna Eskuwela”. Huwag palampasin ito sapagkat napakahalaga.

POLIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with