KASABAY nang makabagong lakad sa pulitika ang paglaganap ng bawal na droga na nagdulot ng bulok na sistema at kapahamakan sa buong bansa.
Noong 1885 pa meron nang “methamphetamine” na nilikha ni Nagayoshi Nagai. Ginamit ito ng mga sundalong Hapones noong World War II para maibsan ang takot, pagod at kalungkutan.
Pagkatapos ng giyera noong 1945, naging masalimuot na ang takbo ng pulitika sa Pilipinas kasabay ang paglaganap ng mga gamot na may sangkap na “methamphetamine”. Hindi napagtuunan ng pansin ng gobyerno para bigyang babala ang mamamayan sa negatibong epekto nito.
Posible rin na gumamit noon ang mga pulitiko ng gamot na “amphethamine”. May sangkap itong “methamphetamine” na sangkap ng “shabu”. Pampalakas ng resistensiya at lakas ng loob para tumibay sa pangangampanya. Malay natin. Di ba?
Naging lutang na sangkap sa pagtatalumpati ang kahirapan pero hindi sinasabi ang remedyo kung paano ito malalampasan. Sila raw na mga kandidato ang kasagutan kapag naluklok sa kapangyarihan. Paano naman ang drug addictions?