^

Punto Mo

EDITORYAL - Information ­campaign sa ­fraternity hazing

Pang-masa
EDITORYAL - Information ­campaign sa ­fraternity hazing

NAGING mainit na isyu ang may kinalaman sa fraternity hazing makaraang mahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang 10 fratmen ng Aegis Juris fraternity noong nakaraang linggo. Napatay sa hazing si UST law student Horacio ‘‘Atio” Castillo noong Setyembre 2017 na ginanap sa mismong headquarters ng Aegis Juris sa Sampaloc, Maynila. Grabeng pahirap ang dinanas ni Atio sa ginawang hazing. Sa tindi ng mga palo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ni Atio ay bumigay ang kanyang kidney at inatake sa puso na kanyang ikinamatay. Ang masakit, pinabayaan siya ng kanyang mga ka-“brod” na mamatay at hindi agarang isinugod sa ospital.

Nakahinga nang maluwag ang mga magulang ni Atio nang marinig ang hatol ng hukom—pagkalipas ng pitong taon, naisilbi rin ang hustisya sa kanilang anak.

Sabi ni dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri, nararapat magsagawa ng information campaign ukol sa fraternity hazing ang Commission on Higher Education (CHED), Department of Education (DepEd) at Department of Interior and Local Government (DILG). Ayon kay Zubiri, dapat paigti­ngin ang kamalayan ng publiko tungkol sa ginagawang hazing ng fraternities. Ipaalam sa mga mag-aaral ang kahihinatnan ng isasagawang pananakit sa mga neophyte sa sandaling sumali sa fraternity.

Tama si Zubiri na magkaroon ng information campaign sa fraternity hazing at pangunahan ito ng DepEd, DILG at CHED. Sa ganitong paraan, maimumulat ang mga bata sa maaaring mangyari sa kanila sa sandaling maging frat member. Mahalaga ang kampanyang ito lalo’t may mga school na walang pakialam kung magsulputan man ang iba’t ibang fraternities sa kanilang nasasakupan. Kahit ­naamyendahan na ang Anti-Hazing Act of 1995 at pinalakas ng Anti-Hazing Act of 2018, wala ring pakialam ang mga eskuwelahan.

Mas dapat manguna ang DepEd sa information campaign at simulan ito sa elementarya pa lamang para maimulat tungkol sa hazing na ginagawa ng mga fraternity. Kung nalalaman na ito ng mga bata sa una pa lamang, magkakaroon na siya ng ideya kung dapat pa ba silang sumali sa fraternity at sorority. Kasabay sa info campaign, ipakita ang listahan ng mga namatay sa hazing at ang pangalan ng fraternity na responsable sa pagkamatay.

Malaki ang magagawa ng kampanya sa hazing para mabatid ang kahihinatnan kung sumali sila sa fraternity at sumailalim sa hazing. Makakaiwas sila sa malagim na kamatayan sa pamamagitan ng kampanya sa hazing.

HAZING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with