^

Punto Mo

Mga aso na marunong magsampay ng damit, nakatanggap ng apat na Guinness Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pares ng mga mata­talinong aso ang nakapagtala ng world record dahil sa kanilang mga talento tulad ng pagsasampay ng damit at paghuhulog ng barya sa bote!

Pinarangalan ng records keeping organization na Guinness World Records ang mga asong sina Bonnie at Simba ng mga world record titles na: “Fastest time to complete 10 side leapfrog jumps by two dogs (16.78 seconds)”, “Most bottles deposited into a recycling bin by a dog in one minute (16 bottles)”, “Most coins deposited into a bottle by a dog in one minute (13 coins)”, at “Most clothes hung on a washing line by a dog in one minute (17 socks)”.

Ayon sa owner at trainer nina Bonnie at Simba na si Olga Jones, challenging ang pag-train sa dalawa niyang aso pero ang pagtuturo sa mga ito na magsampay ng medyas ang pinakamahirap at inabot nang matagal na panahon. Dagdag pa nito, naturuan niya ang kanyang mga aso sa tulong ng maayos na communication, fun and mutual trust.

Dahil dito, may mahigit 200 tricks na kayang gawin sina Bonnie at Simba. Dahil sa angking talino ng kanyang mga aso, nakapagtanghal na ang mga ito sa talent reality show na “Britain’s Got Talent” kung saan hinangaan ito ng mga celebrity judges na si Simon Cowell.

 

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with