^

Punto Mo

Psychological facts

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Huwag mong ibabase ang iyong desisyon sa payo mula sa ibang tao na hindi naman maapektuhan sa magiging resulta ng desisyon mong gagawin.

2. Base sa psychology, ang pagpapatawad ay hindi paglimot sa ginawang kasalanan sa kanya, bagkus, pagbitaw sa sakit na nadama.

3. Huwag agad huhusgahan na anti-social ang mga taong mapag-isa. Hindi mo lang alam, hindi lang niya matagalan ang mga taong madadrama at plastic.

4. Ang higit na ikinaiinis ng mga lalaki sa kanilang nobya ay kapag nag-iina-inahan ito: bungangera at gusto’y lagi siya ang masusunod.

5. Nagiging aktibo ang bahagi ng utak na may kinalaman sa pagiging matapat kapag galit ang isang tao. Ito ang dahilan kung bakit lumalabas ang katotohanan sa bibig ng taong galit na galit.

6. Nagbibigay ng magandang pakiramdam ‘yung alam mong may isang tao na nagbibigay sa iyo ng halaga. At dahil dito, ito ay literal na nakakadagdag ng  haba ng buhay.

7. Nagmumukha kang maligaya at may tiwala sa sarili kung ikaw ay maliksing kumilos.

8. Ang pakikinig ng malungkot na awitin ay nagdudulot ng positibong emosyon.

9. May dalawang uri ng tao na hindi makatingin sa iyo nang diretso: 1) may kasinungalingan siyang sinabi sa iyo 2) lihim siyang nagmamahal sa iyo.

10. Mas tumatanda, mas nagiging mapaghinala. Ang resulta, kakaunti na lang ang kanyang pinagkakatiwalaan.

PSYCHOLOGY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with