“Ikaw po Lolo Nado, kain ka po ng mais,’’ alok ni Jefferson.
“Busog pa ako. Nang tumawag ka kanina ay naidlip ako. Kakakain ko lang.”
“Masarap talaga ang mais kapag bagong ani ano po?’’
“Oo. Manamis-namis ano?”
“Opo. Walang ganitong mais sa Maynila. Yung tinitindang nasa kariton ay ilang beses nang nilaga!’’
“Tanim ko yan sa kaingin.”
“Ganun po ba? Yung sa bundok po kasama ng mga palay?”
“Oo.’’
“Kaya pala masarap. At saka wala po itong fertilizer ano?’’
“Oo.’’
“Maiba po ako ng usapan Lolo, kailan pa po wala rito si Mayang?’’
“Siguro ay mga pitong taon na. Ako kasi ay dating nakatira sa may bundok. Nang aalis na si Mayang, ako ang pinakiusapan niya na tumira rito.’’
(Itutuloy)