MAY ibig sabihin ang color preference mo sa iyong biniling brand new car.
1. White – simbolo ng purity, simplicity at freshness. Popular color ito ng mga taong ang gusto ay fresh and timeless look. Ang may-ari ng white car ay organized, detail-oriented, hardworking, straightforward at optimistic.
2. Black – ayon sa mga taong piniling bilhin ang sasakyang black, ito ang nagbibigay sa kanila ng “powerful” vibration. Ito ang dahilan kung bakit black ang “most popular color” sa luxury vehicles. Inilalarawan nila ang black bilang sexy, powerful and mysterious. Ang may-ari ng black car ay ambitious at successful.
3. Silver – iniuugnay ang kulay silver sa modernity, innovation at futuristic. Ito ang third most popular color. Pinipili ito ng mga indibidwal na pinahahalagahan ang technology at progress. Ang silver car owner ay advance mag-isip at mabilis niyang naibabagay ang sarili sa kahit anong sitwasyon.
4. Red – iniuugnay ang red sa excitement, energy at passion. Sinisimbolo nito ang confidence at desire for adventure. Ang pumipili ng red car ay mga outgoing at extroverted.
5. Blue – nagsasaad ng calmness, trustworthiness at reliability. Popular ito sa mga taong matatag at nangangarap ng tahimik na buhay. Ang blue car owner ay maaasahan at mahaba ang pasensiya.
6. Green – ang sinisimbolo ay nature, growth at harmony. Kadalasan, ang green car owner ay down-to-earth at eco-conscious.
7. Yellow – ang yellow car owner ay masayahin, optimistic at hindi natatakot sumubok upang magtagumpay sa buhay.
8.Gray – ang gray car owner ay hindi pasikat at low-key lang siya. May paniwala siyang ang ilog na tahimik ay malalim, kapag ang ilog naman ay magalaw, ito ay mababaw.