^

Punto Mo

Ipatupad ang gun ban

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

AYON sa Philippine National Police (PNP), ipatutupad na ang gun ban sa susunod na linggo, pagkatapos ng filing ng certificate of candidacy (COC) ng mga tatakbo sa May 12, 2025 elections. Magtatapos ang filing ng COC sa Oktubre 8. Ayon pa sa PNP, babawiin na rin ang security detail ng mga kandidato.

Naging maayos naman ang unang araw ng filing ng COC noong Martes (Oktubre 1). Maraming pulis ang ikinalat para masiguro ang katahimikan sa panahon ng COC filing. Dito sa Metro Manila, nakatulong ng PNP ang Philippine Marines sa pagpapatupad ng kaayusan. Wala namang naireport na kaguluhan habang idinaraos ang filing ng COC. Maski sa mga probinsiya ay wala ring napabalitang karahasan.

Mas maganda sana kung mas maagang naipatupad ang gun ban para hindi na makagawa ng krimen ang mga masasamang loob. Ginawa na sana sa panahon pa ng filing ng COC para masiguro na magiging tahimik ang buong panahon ng paghahain ng COC.

Tama-tama rin naman ang maagang gun ban dahil palapit na nang palapit ang holiday season. Sa ganitong panahon, sumasalakay ang mga holdaper na kahit ang mga karaniwang karinderya at mga gasolinahan ay hinoholdap. Noong isang araw, isang convenient store sa Cavite ang hinoldap. Tinutukan ng baril ang kahera at natangay ang kita ng store. Nagmamadaling tumakas ang holdaper sakay ng motorsiklo.

Isa sa dapat isaktuparan ay pagtanggal sa security detail ng kandidato. Sabi ni PNP Public Information Office chief, Col. Jean Fajardo, babawiin ang security detail ng mga kandidato kapag natapos ang COC filing. Lahat daw ito ay isasaayos bilang paghahanda sa 2025 elections. Sisiguruhin umano ng PNP ang mapayapang election.

Sa pagpapatupad ng gun ban, nararapat din namang buwagin ng PNP ang private army ng mga pulitiko. Ang mga “hukbo” ng pulitiko ang isa sa mga dahilan kaya magulo ang eleksiyon. Dahil may mga baril, malalakas ang loob at handang makipagpatayan. Ang publiko naman ang naiipit sa ganitong  sitwasyon.

Samsamin ang mga baril at buwagin ang private army para maging mapayapa ang 2025 elections.

GUN BAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with