Tuguegarao Mayor Ting-Que, pro-Chinese!
NAKABABAHALA ang biglang pagtahimik ng isyu sa paglusob ng Chinese students sa Cagayan kung saan may dalawang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa probinsiya. Hindi ba national security concern ito? Sa pananaliksik ng mga pulitiko, nagsulputan itong mga Chinese nationals sa mga eskuwelahan sa Cagayan sa kasagsagan ng kaguluhan sa West Philippine Sea kung saan ang mga Pinoy na mangingisda at mga barko ng Pinas sa resupply mission ay itinataboy at binabangga ng Navy ng China. Inimbestigahan na kung paano nakapasok sa probinsiya ang mga Chinese students subalit hanggang sa ngayon ay wala pang itinuturo kung sino ang nasa likod ng pagdagsa nila, hindi lang sa Cagayan, kundi maging sa ibang parte ng Pinas. Magkano….este paano? Nakakaalarma na ito? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sa biglang tingin sa 19th Mid-Year Commencement Exercises booklet ng St. Paul University Philippines sa Tuguegarao, nabulgar na karamihan sa mga graduates ng Doctorate programs (PhD) ay Chinese nationals. Sa 393 estudyante na nagtapos nitong Enero 27, 361 ang Chinese. Araguyyyyy! Hindi lang ‘yan, my iba pang programs tulad ng Doctor in Public Administration at Doctor of Philosophy in Science Education, eh puro Chinese ang nagtapos. Sanamagan! “The concentration of Chinese students varies significantly across different programs and tracks, with a notable distinction between thesis and non-thesis options,” ayon sa report. “In thesis-based programs, particularly in fields like Business Administration and Public Administration, the student body is also composed entirely of Chinese nationals.” Anyare? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Maging ang mga residente sa Tuguegarao ay na-stress sa biglaang pagdami ng Chinese students sa lugar nila, lalo na’t malapit sila sa Taiwan at dahil sa sigalot sa WPS. Hindi naman kaila sa inyo mga kosa na nitong Agosto 31, binangga ng Chinese Coast Guard ang barko ng Pinas na BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal, ilang araw matapos hadlangan ng mga ito ang resupply mission ng nasabing barko. Subalit tahasan namang dinipensa nina Cagayan Gov. Manuel Mamba at Tuguegarao Mayor Maila Ting-Que ang pagdami ng Chinese students sa probinsiya sa pagsasabing racism o Sinophobia lang ito. Araguyyy! Parehas sila ng linya ng Chinese embassy. Anyare? Kasama pa sina Mamba at Ting-Que sa pagbisita ng Chinese ambassador na si Huang Xilian sa Qi Jiquang Navy Training Ship. Nakupooo! Ang sakit sa bangs nito!
Kung sabagay, hindi lang naman sina Sen. Risa Hontiveros at Rep. Robert Ace Barbers ang nagpahayag na security concerns ng Pinas ang pagdami ng Chinese students sa Cagayan, kundi maging si 3rd District Rep. Joseph “Jojo” Lara na nagbalak magkaroon ng inquiry patungkol dito. Anyare? “Alam mo, iyong mga nagsasabing Sinophobia at saka racism iyon, sila iyong may ganoong tendency. Tayo ay nagtatanong – national security iyong concern. Buti sana kung Marites lang ito,” ani Barbers. “And because this is a national security issue, hindi masama na magduda tayo, hindi masama na magtanong tayo at hindi rin masama na imbestigahan natin iyon,” ang giit pa ni Barbers. Hehehe! Kanya-kanyang diskarte lang ‘yan! Abangan!
- Latest