• Walang katotohanan ang sinasabing kaya nangangaliwa ay hindi sila maligaya sa kanilang kasalukuyang pakikipagrelasyon. Sa pag-aaral ng Rutgers University, natuklasan nilang ang 56 percent ng mga kalalakihang nangangaliwa ay maligaya sa piling ng kanilang partner samantalang 34 percent ng mga kababaihang nangangaliwa ay umaming kuntento sa kanilang kasalukuyang karelasyon. Kaya ang konklusyon ng mga eksperto, minsan, naghahanap lang sila ng thrill.
• Inilathala ng department of experimental psychology sa Oxford University ang kanilang research tungkol sa koneksiyon ng haba ng daliri sa pangangaliwa. Kung mas mahaba ang ring fingers ng isang tao kaysa kanyang hintuturo, mas mataas ang level ng kanyang sex hormone kaya mataas ang appetite niya sa sex. Kung magana sa sex, may tendency na maghanap ng maraming sexual partners.
• Sabi ng psychologists may genetic factors sa pagiging kaliwete ng isang lalaki. Ang mga lalaking nagmula sa pamilyang may history ng pangangaliwa ay may “higher risk” na manahin ang pagiging kaliwete ng kanyang mga magulang at ninuno.
• Napag-alaman ng mga researchers na 85 percent ng pangangaliwa ay nangyayari sa pagitan ng magka-opisina, magkaibigan o magkapitbahay. Magugulat na lang ang isang kinaliwa na kapitbahay lang pala niya o best friend ang pinatulan ng kanyang asawa.