^

Punto Mo

‘Ilang-Ilang’ (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NOONG nakatira pa kami sa probinsiya, ang aming bahay ay napapaligiran nang maraming puno ng ilang-ilang. Dahil sa katagalan na ng mga puno ay nagsipaglakihan ang mga ito at halos matakpan na ang aming bahay.

Pero walang mangahas na putulin ang mga puno dahil ang bilin nina Tatay at Inay ay huwag puputulin dahil magtatampo ang mga iyon at hindi mamumulaklak. Kaya ang kautusang iyon ay mahigpit na ipinatutupad. Sa pagkakatanda ko, may sampung puno ng ilang-ilang sa paligid ng aming bahay.

Naalala ko, kapag gabi ang mabangong ilang-ilang ang nasasamyo sa loob ng aming bahay. Natural na natural ang amoy. Sariwang-sariwa.

Natatandaan ko kapag nagbabakasyon ang mga pinsan ko mula sa Maynila ay sa balkonahe kami ng bahay nagkukuwentuhan at nasasamyo namin ang bango ng ilang-ilang.

Kung bakit mahalaga ang ilang-ilang sa aking tatay at nanay, ito ang aking ikukuwento. May mahala­gang papel ang ilang-ilang sa  kanilang pag-iibigan. (Itutuloy)

HOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with