^

Punto Mo

Nag-absent na empleyado, puwede bang tanggalin agad-agad?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Tama po ba ang pagtanggal sa akin dahil umabsent lang ako ng ilang araw dahil sa sakit. At tama rin po ba na hindi man lang ako binigyan ng separation pay kahit higit siyam na taon na po ako sa kompanya? — Kim

Dear Kim,

Una, kung may sapat na rason para tanggalin ang empleyado dahil sa mga tinatawag na “just causes” ay wala talagang matatanggap na separation pay ang sinisanteng empleyado. Kaya ang mas mahalagang tanong na dapat sagutin ay kung karapat-dapat ba ang pagtanggal sa iyo.

Maaring maging dahilan ng dismissal o pagkakatanggal sa trabaho ang pagliban sa trabaho nang walang paalam at pahintulot. Maari kasing ipagpalagay na “abandonment” o pag-abandona sa trabaho ang hindi pagpasok ng empleyado.

Gayunpaman, para masabing “abandonment” nga ang ginawa ng empleyado, kailangang hindi siya sumisipot sa trabaho ng walang sapat o makatwirang rason at nagpapahiwatig siya ng intensiyon na tapusin na ang ugnayan niya sa kanyang employer (RBC Cable Master System and/or Cinense v. Baluyot, [596 Phil. 729,739-740 (2009)].

Kung ang insidente ng pagliban ng isang empleyado ay minsanan lamang, hindi nararapat ang pagsisisante, ayon sa Korte Suprema sa Book Media Press Inc. and Brizuela v. Sinajon and Abenir (G.R. No. 213009 July 17, 2019). Nakalaan kasi ang pinakamatinding parusa ng pagsisisante para sa mga pagkakataon kung saan nagpakita ang empleyado ng seryosong pagsuway sa mga utos at patakaran ng kanyang employer at malalang kapabayaan sa kanyang mga tungkulin.

Kaya hindi basta-basta maaring magtanggal ng isang empleyadong nag-absent, kahit wala pa itong pahintulot. Kahit nga yung mga tinatawag na “AWOL” o yung mga hindi na talaga sumisipot sa trabaho ay hindi puwedeng agarang sisantehin.

Bukod pa riyan, kailangan ding dumaan sa tamang proseso ng pagtanggal ng empleyado sa pamamagitan ng pagbibigay ng notice to explain upang malaman kung may makatwirang rason ba siya para hindi pumasok at kung siya ba ay may intensiyon na tuluyang umalis sa trabaho.

Kaya kung may makatwirang rason ka naman para umabsent dahil sa iyong karamdaman at hindi naman idinaan sa tamang proseso ang pagtanggal sa iyo, maaring maharap sa reklamong illegal dismissal ang iyong employer. Kung mapatunayang illegal dismissal nga ang nangyari, maa­ring ipag-utos ang pag-reinstate o pagbabalik sa iyo sa dati mong posisyon.

vuukle comment

ABSENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with