^

Punto Mo

EDITORYAL - Network ng POGO at illegal na droga

Pang-masa
EDITORYAL - Network ng POGO at illegal na droga

MALAWAK ang saklaw ng Philippine offshore and gaming operator (POGO) na pati pagpapakalat ng illegal drugs ay pinasok na rin. Ang human trafficking, prostitution, crypto currency exam, love scam at iba pa ay gawain ng sindikato na ang front ay POGO. Pero ngayon, matindi na sapagkat nagsama na ang POGO at ang illegal na droga. At ang nasa likod nito ay si Michael Yang, na dating presidential adviser ni dating President Rodrigo Duterte at Lin Weixiong alyas Allan Lim na asawa naman ni Rose Nono Lin.

Ayon sa House of Representative quad committee­, isang “criminal enterprise” ang kinapapalooban nina Yang at Lim na ginagamit ng sindikato. Mayroon silang network ng corporations. Sinabi pa ng quad committee na si Rose Nono Lin ay incorporator ng walong kompanya. Dawit din siya sa Pharmally Pharmaceutical, ang kompanyang nakakuha ng kontrata sa DOH kahit na P600,000 lamang ang capital.

Ayon pa sa quad committee, kasama ang mga kompanyang dawit sa POGO at shabu ay ang Paili Estate Group, Paili Holdings, Philippine Full Win Group of Companies, at Xionwei Technologies. Nakita rin sa imbestigasyon na pareho ang service provider ng Xionwei at ng POGO ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo na Baofu.

Malawak ang operasyon ni Yang at Lim. Bukod sa droga ay may link din umano ang mga ito sa Golden Sun 999 na sangkot naman sa malakihang pagbili ng mga lupain at may mga isyu ng mga pagkamkam ng lupa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Dahil sa pagkakatuklas ng ugnayan ng droga at POGO, hindi na nakapagtataka kung bakit hindi ma­sawata ang pagkalat ng shabu sa bansa. Hindi maubus-ubos sa kabila na maraming nakukumpiska. Ma­lawak ang network  at hindi mapatid-patid ang link.

Ang mga lumulutang na shabu sa dagat na may markings na Chinese characters ay maaaring nanggaling din sa sindikatong nagpapatakbo kay Yang at Lim. Dapat halukayin pa ng quadcom ang dalawang personalidad na ito.

Dapat namang mawasak nang tuluyan ang POGO sapagkat ito ang ginagamit ng mga sindikato sa masa­samang aktibidad. Ipinag-utos na ni Presidente Ferdi­nand Marcos Jr. na hanggang Dis. 31, 2024 na lamang ang POGOs. Wala nang maiiwan kahit isang POGO na tinuring na “salot” sa bansa.

Habang narito sa bansa ang salot na POGO, nagbibigay ito ng alalahanin na maaaring mayroon pang mga sindikato na gumagamit dito. Maging alerto naman ang PAGCOR at baka may mga POGO na sa halip na umalis ay magtago at buuing muli para kumita nang limpak na salapi. Maging mapagmatyag ang PAGCOR.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with