^

Punto Mo

Missile ship na ang ginagamit ng China

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

DATI ay binobomba ng tubig ng China Coast Guard (CCG) ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) o di kaya’y hinahabol at binabangga para takutin at huwag nang maglayag sa West Philippine Sea. Pero ngayon, nagbago na ng pamamaraan ang CCG at People’s Liberation Army sapagkat missile ship na ang ginagamit at tinututok sa barko ng PCG. Bukod sa paghabol ng missile ships, tinututukan din ng laser ang eroplano ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagsasagawa ng research sa Hasa-Hasa Shoal noong nakaraang linggo. Delikado ang pagtutok ng laser sa piloto ng eroplano sapagkat nagdudulot ito ng pansamantalang pagkabulag at maaring madisgrasya ang eroplano. Tatlong beses tinutukan ng laser ang eroplano ng BFAR.

Pinakadelikado ang pagbuntot ng missile ship sa barko ng PCG. Dalawang missile ships ng China ang bumuntot sa BRP Datu Romapenet habang nagdadala ng ayuda sa mga mangingisda sa Hasa-Hasa Shoal. Hindi hiniwalayan ng dalawang missile ships ang BRP Datu Romapenet subalit hindi ito naging hadlang para hindi ipagpatuloy ang pamamahagi ng tulong sa mga mangingisda. Bukod sa dalawang missile ships, isang helicopter ng Chinese Navy ang lumilipad at inoobserbahan ang kilos ng Romapenet.

Ayon sa U.S. Naval Institute, tinatawag na Houbei-class guided-missile craft mula sa People’s Liberation Army (PLAN) ang humabol na missile ships sa barko ng BFAR. Nakilala ito ng U.S. dahil sa blue camouflage paint nito. Kaya raw magsakay ng Chinese missile ship ng hanggang 12 crew members at 8 anti-ship cruise missiles.

Ipinahayag naman  ni National Maritime Council spokesperson USec. Alexander Lopez, ilegal ang pananatili ng Chinese missile ship sa karagatan na sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Wala raw karapatan ang China na habulin ng Chinese missile ship ang barko ng Pilipinas.

Palubha nang palubha ang ginagawa ng China sa mga barko ng Pilipinas. Tinatakot o binu-bully sa sariling teritoryo. Gaya ng dati, magsasampa na naman ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China. Marami nang inihaing protesta ang bansa sa China subalit dedma lamang ito.

Hanggang sa protesta na lamang ba ang magagawa ng Pilipinas?

Meron bang bagong strategy na magagawa liban dito?

Tatanggapin na lang ba ang ginagawa ng China sa sariling teritoryo?

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with