Emergency tips (Part 2)
October 2, 2024 | 12:00am
- Kapag ikaw ay nasa mataong building, alamin mo agad ang pintuan palabas, pintuan pababa ng hagdan at fire exits.
- Kapag nasa hiking, magbaon ng whistle at mirror. Ito ang gagamitin mong pantawag ng pansin kapag napahiwalay ka at naligaw.
- Huwag ilalagay ang mga kamay sa bulsa kapag bumababa ka ng hagdan. Kapag nadulas ka, hindi mo kaagad maikakapit ang iyong mga kamay sa railing.
- Kapag pipili ng upuan sa eroplano, ang piliin ay iyong nasa gitna ang upuan sa bandang hulihan o dulo. Mga 28 percent lang ang fatality rate dito kapag bumagsak ang eroplano.
- Kapag aalis ka ng bahay at mawawala ng ilang araw, ipaalam mo sa iyong immediate family kung saan ka pupunta, gaano katagal at address ng pupuntahan.
- Puwedeng gamitin ang sanitary napkin para pantapal sa malaking sugat.
- Gamitin ang baking soda para pamatay ng apoy.
- Kapag naligaw sa kagubatan maghanap ng ilog o bakod na nakapaligid sa mga tanim. Ang ilog ay mapagkukunan mo ng tubig na iinumin. Senyales din ito na malapit ka na sa kabahayan. Ang bakod ay nagpapahiwatig na may mga tao sa di kalayuan na maaaring hingian ng tulong.
- Kapag may nasaksak, huwag ninyong hugutin ang kutsilyo upang hindi lumabas ang maraming dugo. Gamit ang kamay at damit na binilot, bahagyang diinan at takpan ang sugat habang hindi pa dumarating ang saklolo.
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Latest
Recommended