80-anyos na lola, naging kandidata ng Miss Universe South Korea!

ISANG lola sa South Korea ang sumubok maging representative ng South Korea sa 73rd Miss Universe pageant!

Hinangaan kamakailan ang 80-anyos na lola na si Choi Soon Hwa matapos itong maging finalist sa Miss Universe Korea. Ang paglahok ni Choi ay kasunod ng desisyon ng Miss Universe Organization na alisin na ang age limit sa mga nais maging contestant.

Sa kabila ng kanyang edad, kumpiyansa si Choi sa kanyang kakayahan at excited siya na ipakita ang kanyang angking ganda at talento. Ayon dito, gusto niyang mamangha sa kanya ang mundo.

Ipinanganak noong 1943, si Choi ay isang retired hospital caregiver. Sa edad na 70 lang niya natuklasan ang kanyang talento sa pagmomodelo kung saan na-feature siya sa ilang fashion magazine.

Matapos ang naganap na 2024 Miss Universe Korea noong gabi ng Setyembre 30, nabigo si Choi na mapili bilang representative ng South Korea sa 73rd Miss Universe pageant na gaganapin sa Mexico. Si Ariel Han, isang 22 years old fashion student ang nagwagi bilang Miss Universe Korea.

Show comments