• Kung may maamoy na malansang isda sa loob ng bahay pero wala namang isda kayong niluto, malaki ang tsansa na may nasusunog na electrical wire sa paligid.
• Kung nasa ibang bansa ka at nagkaroon ng emergency pero di mo alam ang numerong tatawagan, i-dial ang 112. Ito ang international emergency number at maiko-connect ka sa pinakamalapit na help line.
• Kung wala namang dahilan para mag-amoy cinnamon ang inuming inalok sa iyo sa party, huwag itong inumin, baka may kahalong lason.
• Kung nalasahan mong maalat ang inalok sa iyong inumin, ito ay malamang na hinaluan ng rohypnol, kilala bilang date-rape drug.
• Kung inabot ka ng bagyo sa labas at may naamoy kang chlorine, pahiwatig na kikidlat at may tatamaan malapit sa kinaroroonan mo.
• Kapag ang tornado ay mukhang hindi gumagalaw, palatandaan ‘yun na papalapit na ito sa kinatatayuan mo.
• Kung napapansin mong laging may puti sa pupils ng mata sa iyong mga litrato, may tsansang may problema ka sa mata: cataract, retina problem, etc.
• Huwag inumin ang tubig ng niyog na kulay brown na ang bunot. Marami na itong oil at magiging dahilan ito para ka ma-dehydrate.
• Kung nasa snow country at inabot ka ng sobrang uhaw pero walang tubig, huwag kakain ng maraming snow. Magiging sanhi ito ng hypothermia na maaari mong ikamatay. Tunawin muna ang snow at saka inumin.
• Kung kailangan mo ng AA battery pero AAA lang ang available, bilugin ang tin foil at ilagay ito sa negative side ng battery kapag ikinabit sa connection.