Music producer, walang tigil na nag-record ng mga kanta sa loob ng apat na araw!

ISANG music producer sa Nigeria ang nakapagtala ng world record dahil sa kanyang music record marathon na tumagal ng apat na araw!

Kinumpirma ng record keeping organization na Guinness World Records na ang music producer na si Idem Abasifreke ang pinakabagong record holder ng titulong  “Longest Recording Marathon with Multiple Artists” matapos siyang makapag-record ng mga kanta sa loob ng 95 oras at 59 na minuto.

Naganap ang record attempt ni Idem noong Pebrero 10 sa Beatisblaak Studio sa Lagos, Nigeria. Ayon kay Idem, ginawa niya ito upang maging isang record-breaking music producer at makatulong sa mga baguhang singers at rappers sa Nigeria.

Show comments