Maid of Honor (WAKAS)
Niyaya ni Inah si Yana na maglakad sila sa aplaya.
“Halika maglakad tayo at mayroon akong ibabalita sa’yo!’’
“Anong balita?’’
“Dun ko na sasabihin.”
Lumakad sila. Bago pa lamang sumisikat ang araw.
“Good news Yana. Pumayag na ang may-ari ng lupa na ibenta ang property nila kay Mommy Celia.’’
“Talaga? Matutuwa si Mommy Celia, Inah!’’
“At ito pa ang isang good news, pumayag na rin ang isang may-ari ng lupa na ibenta ang property kay Kuya Honor.’’
“Aba magkasabay pa ang dalawa!’’
“Kaya itong beach ko ay napapagitnaan nina Mommy Celia at Kuya Honor.’’
“Ibig sabihin, magkakatabi ang property?’’
“Oo! At ang maganda, pawang may idedebelop na beach. Kaya kung mag-full ang booking sa beach ko, puwedeng ipasa sa beach resort nina Mommy Celia at Kuya Honor.’’
“Wow! Ang galing Yana!’’
“Kaya talagang magkakasama-sama na tayong lahat dito! Magiging masaya tayo rito.”
“Oo nga Inah!”
“Talagang naniniwala ako na kapag humiling ka sa Diyos, ipagkakaloob niya. Maaaring magtagal pero ibibigay Niya.’’
“Totoo Inah. Marami akong hiniling sa Diyos at ipinagkaloob Niya! Hindi Niya ako binigo!”
(Abangan bukas ang isa pang kapana-panabik na nobela ni RONNIE M. HALOS. Huwag kayong bibitiw!)
- Latest