Maid of Honor (256)

“PAANO ang bahay ninyo sa Maynila kung dito tayo maninirahan?’’ sabi ni Yana.

“Dadalaw-dalaw naman tayo roon. At saka di ba kung mag-aaral ang mga magiging anak natin, dun sila mag-aaral.

Maaaring si Mommy na lang ang mananatili rito kasama ang kanyang mga maid at driver.’’

“Siyanga pala, sinabi ko kay Inah na balak ni Mommy na bumili ng property rito. Tamang-tama dahil ang katabi nitong beach ni Inah ay binibenta. Medyo mahal nga lang dahil mas malaki at malapit sa highway. Pumayag kaya si Mommy, Ram.’’

“Oo. Kahit magkano babayaran niya. Gaya ng sabi ko sa’yo, maraming pera si Mommy. Bilyones ang pera niya. Bukod dun, may mga paupahan pa siyang building sa Makati at Parañaque. Kaya walang problema kung mahal ang beach resort na sinasabi ni Inah. Alam na ba ni Mommy?’’

“Hindi pa. Bukas pa malalaman ang final na halaga.’’

“Ah okey. Kapag pinal na, sasabihin natin kay Mommy para maisaayos na ang deed of sale.’’

“At alam mo Ram, sina Kuya Honor at Ate Bianca ay gusto rin dito manirahan. Balak din nilang bumili ng property.’’

“Talaga?’’

“Oo.’’

“Lalo tayong magiging masaya dahil sama-sama.’’

“Oo nga Ram.’’

Naupo sila sa buhanginan.

Hinawakan ni Ram ang palad ni Yana.

“Alam mo, Yana, mahal na mahal kita!”

“Ako rin, Ram. Love na love kita!

(Tatapusin na bukas)

Show comments