ISANG lalaki sa England ang nakapagtala ng world record matapos makapagpatubo at makapag-ani nang pinakamalaking root crop!
Kinumpirma ng Guinness World Records na si Graham Barratt ang pinakabagong world record holder ng titulong “Heaviest Celeriac” matapos niyang ipresenta sa Malvern Autumn Show ang kanyang naaning root vegetable na Celeriac na may bigat na 5.8 kilograms.
Ang celeriac, kilala rin bilang root celery o knob celery, ay isang uri ng root vegetable na matatagpuan sa Europe at North America. Iba ito sa karaniwang celery na madalas ginagamit sa mga salad, dahil ang edible part ng celeriac ay ang ugat nito, hindi tulad ng pangkaraniwang celery na mga tangkay ang kinakain.
Bukod sa Celeriac, isinali rin ni Graham ang kanyang mga tanim na cucumber ngunit hindi nito natalo ang kasalukuyang world record.