^

Punto Mo

City sa China, nakatanggap ng Guinness records dahil sa libong drones na pinalipad para sa drone art show!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKAPAGTALA ng world record ang isang Chinese city dahil sa libu-libong drones na ginamit nito para sa isang drone art show!

Kinumpirma ng Guinness World Records na ang Yanbian Korean Autonomous Prefecture ang pinakabagong record holder ng titulong “largest aerial image formed by multirotors/drones”. Ito ay matapos silang makapagpalipad ng 7,598 drones na nagpo-project ng iba’t ibang imahe sa kalangitan.

Ginawa ang drone art show na ito para sa ika-72 na ­anibersaryo ng Yanbian Korean Autonomous Prefecture. Ang Yanbian ay isang rehiyon sa hilagang-silangang bahagi ng China, sa lalawigan ng Jilin. Kilala ito dahil karamihan ng populasyon ay binubuo ng mga etnikong Koreano.

Ang rehiyon ay mayroong espesyal na katayuan bilang isang autonomous prefecture, na nangangahulugang binigyan ito ng gobyerno ng Tsina ng mas mataas na antas ng awtonomiya kumpara sa ibang rehiyon, partikular na sa pamamahala ng mga kultura at wika ng mga etnikong minoridad.

Ilan sa mga imahe na nabuo ng mga drones ay ang Great Wall of China, Dragon, Tiger at ang official flower ng Yanbian, ang Azalea.

DRONE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with