‘Sementeryo’ (Part 2)

NAGULAT ako nang ipagtapat ng classmate kong si Ruben na sa sementeryo sila nakatira. Kaklase ko sa college si Ruben. Sa isang unibersidad na nasa university belt kami nag-aaral. Na­ging magkaibigan kami. Kapag umuuwi ay sabay din kaming sumasakay ng dyipni dahil iisa lang ang ruta na dinadaanan.

“Nagbibiro ka ba Ruben?’’ tanong ko sa kanya noon. Kasi noon lang ako nakarinig na may naninirahan sa sementeryo. Sa probinsiya kasi kung saan ako lumaki ay walang tumitira sa sementeryo.

“Totoo, Jim—sa sementeryo talaga kami nakatira.’’

“Bakit?’’ tanong ko.

“Wala kaming sariling lupa. Dukha kami. Mula sa probinsiya ang parents ko. Walang trabaho nun ang tatay ko. Nagkataon na may naging kaibigan ang tatay ko na caretaker sa sementeryo at yun ang simula. Ipinakilala siya sa isang pamilya na maging caretaker din. Nang mag-migrate sa Canada ang pamilya, pinayagan na dun na sa musuleo manirahan ang tatay at nanay ko—dun na ako pinanganak.’’
Hindi pa rin ako makapaniwala.

Hanggang isang Sabado, isinama ako ni Ruben.

Totoo nga na sa sementeryo sila nakatira.

Tahimik nga roon. (Itutuloy)

Show comments