Maid of Honor (253)

“KAYA nga gusto ko e magplano na kayo ni Ram para sa inyong pagpapakasal,’’ sabi ni Mommy Celia.

“Opo Mommy.’’

“Wala namang problema dahil pareho na kayong nakatapos. Kung gusto ninyong magtrabaho muna bago pakasal e sumige kayo. Para mayroong experience sa tinapos ninyong kurso. Mga isang taon kayong magtrabaho. Kapag naka-one year na e saka kayo magpakasal. Mabuti rin kasi na makaranas na mag-empleyo.’’

“Ganun nga po sana ang balak ko Mommy Celia—magtrabaho para maiaplay ang pinag-aralan.”

“Tama yun, Yana. E si Ram, anong balak niya?”

“Wala pa pong sinasabi si Ram. Kasi ang inalala naman po niya ay wala raw titingin sa iyo kapag nag-work siya.”

“Puwede naman akong iwan dahil may maid naman ako.’’

“Talaga pong mahal ka ni Ram, Mommy. Napakabait po niyang anak.’’

“Kaya mahal na mahal ko siya at pati ikaw.’’

Maya-maya lumapit si Ram.

“Anong latest sa pinagkukuwentuhan ninyo?’’ tanong nito.

“Ikaw ang topic namin,’’ sabi ni Yana.

“Ako? Bakit?’’

“Dahil mabuti kang anak!’’

KINABUKASAN, nagkasayahan sina Rocky, Honor at Ram. Nag-inuman sila sa cottage.

(Itutuloy)

Show comments