‘Sementeryo’

(Part 1)

NOON ay hindi ako naniniwala na may mga taong nakatira sa sementeryo. Mabanggit lamang ang salitang sementeryo ay naninindig ang balahibo ko paano pa kaya kung tumira rito.

Pero totoo pala na talagang may mga taong nakatira at dun na lumaki sa sementeryo. At isa sa mga taong yun si Ruben, kaklase ko sa college.

Naging kaibigan ko si Ruben. Pareho kaming tahimik. Nung una hindi ako naniwala sa sinabi niya na sa sementeryo siya nakatira.

“Nagpapatawa ka Ruben?’”

“Hindi. Totoo ang sinabi ko na sa sementeryo ako nakatira.’’

“Bakit dun?’’

“E sa ganun e. Wala kaming sariling lupa na pagtitirikan ng bahay kaya sa sementeryo kami tumira.”

“Hindi nakakatakot?’”

“Hindi. Ang sarap nga sa sementeryo—tahimik.”

“Walang multo?’’

“Wala. Gusto mo sumama ka sa amin.”

“Kailan?’”

“Sa Sabado. Para maranasan mo.”

(Itutuloy)

Show comments