Artist, nakagawa nang pinakamalaking pendulum painting sa buong mundo!

ISANG artist at content creator sa Texas, U.S.A. ang nakapagtala ng world record matapos itong makalikha nang pinakamalaking pendulum painting sa buong mundo!

Kinumpirma ng Guinness World Records na si Cole Newman ang pinakabagong record holder ng titulong “Largest Dripping Pendulum Painting”. Ito ay matapos siyang ma­kagawa ng pendulum painting na may laking 25,000 square feet na maikukumpara ang laki sa walong pinagdikit-dikit na tennis court.

Upang ma-achieve ang world record na ito, kinailangan ni Newman ng tulong mula sa 20 katao na magiging crane operator, media team, and setup team. Gumamit din siya ng 1,000 pounds ng pintura at 250 feet na crane.

Show comments