^

Punto Mo

May-ari ng yate na ginamit ni Guo sa pagtakas, iniiwas!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MAGTATAPOS na ang Senate hearing sa kaso ni ex-Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo subalit mukhang may nakalimutan si Sen. Risa Hontiveros na bigyan ng closure. Sa totoo lang, marami ang nadawit at napahiya sa hearing na ito, kasama na riyan ang Philippine National Police dahil sa inakusahan ang ex-PNP chief nito na tumulong kay Guo para makalayas sa Pinas. Mismooo!

Matatandaan na ginisa rin si Guo kung sino ang may-ari ng yate na sinakyan niya paalis ng Pinas. Kaya lang walang matinong kasagutan si Guo rito. Dapat sa kahuli-hulihang hearing sa Martes, ipilit ni Mam Risa kay Guo kung sino ang may-ari ng yate para maparusahan din ito tulad ni ex-PNP chief na tumulong sa kanyang pagtakas. Get’s n’yo mga kosa? Ang sakit sa bangs nito!

Kung mahigpit na gini-grill ni Mam Risa si Guo patungkol sa kanyang helicopter na binili ng isang British company, bakit biglang lumamya siya sa isyu ng yate, na ang itinuturo ng mga kosa ko na may-ari ay si kosang Mon. Dapat ipatawag din ni Mam Risa si Mon, na source din ng mamahaling sasakyan ni Guo.

Kapag napatunayan na si Mon ang may-ari ng yate, dapat sigurong kasuhan siya para sa mata ng mga Pinoy ay walang sinisino ang komite ni Mam Risa. Anong sey n’yo mga kosa? Kaya ba nililihis ng Senado ang imbestigasyon kay kosang Mon ay dahil naka-right connect ito? Dipugaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa parte naman ng ex-PNP chief, sinabi ni PNP spokesperson at PIO Col. Jean Fajardo na pinag-aralan pa nila kung nararapat bang sampahan ng kaso si Pagcor official Raul Villanueva na tumestigo na may mataas na opisyal ng pulisya na tumulong kay Guo sa kanyang pagtakas.

Ayon kay Fajardo, nakipag-coordinate na ang mga imbestigador ni CIDG director Maj. Gen. Leo ‘Paco” Francisco kay Villanueva, na dating opisyal ng ISAFP, para klaruhin ang tinuran niya sa Senado.

“Well we don’t want to preempt what will happen if Gen. Villanueva cannot substantiate his revelation. Although he is very vocal nung sinasabi niya these are all rumors, ito ay narinig sa intelligence community,” ani Fajardo. “But as a senior officer, as a former ISAPF, he should have known better.” Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Iginiit pa ni Fajardo na hindi dapat ini-share ni Villanueva ang nakalap niyang Marites sa publiko dahil unfair ito sa nagdaang 24 PNP chiefs. “So lahat na nag-serve na former PNP chiefs is a suspect in his issue,” ang paliwanag pa ni Fajardo. Lumitaw din ang ilang ex-PNP chiefs para linisin ang kani-kanilang pangalan sabay hamon kay Villanueva na ilabas ang kanyang ebidensiya. Dipugaaa! Meron ba?

Sinabi naman ng mga kosa ko na maraming kakilalang PNP officials si Guo, at katunayan binibisita siya nito sa kanyang opisina sa Bamban. Nakilala niya ang lahat ng mga opisyal ng PNP, dahil sa boyfriend (kuno) n’yang si Sual, Pangasinan Mayor Bong Calugay, na isang retired cop.

Si Calugay ay bata ng nasirang intel icon na si Boggie Mendoza at maging ng iba pang naging provincial commander ng Pangasinan. Get’s nyo mga kosa? May kumpare rin itong ex-PNP chief. Araguyyy! Teka, teka may clue na ba kayo mga kosa? Sanamagan!

Dahil magtatapos na ang hearing sa kaso ni Guo, makakahinga na nang maluwag si kosang Mon dahil iniiwas siya ng Senado sa kapahamakan. Dipugaaa! Abangan!

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with