^

Punto Mo

Maid of Honor (250)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“KUNG hindi dahil kay Inah ay baka nagmumukmok pa rin ako, Pareng Honor, Mareng Bianca,’’ sabi ni Rocky. Naglalakad sila sa tabing dagat habang unti-unting sumisikat ang araw. Napakatahimik ng dagat.

“Alam n’yo, mula nang dumating ako rito, naging maaliwalas ang buhay ko. Araw-araw, napakasaya ko. Ganun pala kapag nagmamahal ang tao, araw-araw maganda ang tingin sa buhay. Walang pag-aalinlangan, walang iniisip na problema at kung anu-ano pa. Tuwing umaga ay naglalakad kami rito ni Inah at bumubuo ng mga pangarap. Marami kaming plano, Pareng Honor, Mareng Bianca.’’

“Teka nga pala Bro, paano ang work mo sa Maynila­? Di ba ang ganda ng position mo sa kompanya?’’

“Nag-early retirement na ako Pareng Honor. Kasi, mas maganda rito. Nagkakatulungan kami ni Inah.’’

“Oo nga. Tama ang ginawa mo Bro. Ano ba ang posisyon mo rito sa resort?”

“Ako ang namamahala sa security at bodyguard na rin ni Inah.’’

“Wow ang galing naman, Rocky,’’ sabi ni Bianca.

“Kailangan kasi ng bodyguard ni Inah dahil may mga nangongotong dito. Marami nang beses kinotongan si Inah. Mabuti at nasupil namin ang mga walanghiya.’’

“E ang bahay mo sa Marikina?’’

“May nag-aasikaso dun. Pero balak ko, lumuwas kami ni Inah para maipasyal ko siya roon.’’

“Bakit hindi pa kayo magpakasal ni Inah?’’ tanong ni Bianca.

“Malapit na. Mareng Bianca.’’

“Wow!’’

“Pinagpaplanuhan na namin.’’

“Oo sige. At sana magkaroon kayo nang maraming anak.’’(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with