^

Punto Mo

Makeup artist sa Africa, 24-oras nagbigay ng makeover sa mahigit 100 katao para sa Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKAPAGTALA ng world record ang isang 26-anyos na makeup artist sa Sierra Leone matapos itong magsagawa ng makeover marathon!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Mary Yongai ang pinakabagong record holder ng titulong “Most Cosmetic Makeovers in 24 hours by One Artist”. Ito ay matapos siyang makapagbigay ng makeover sa 111 katao sa loob ng isang araw.

Upang kilalanin ng Guinness ang kanyang record attempt, kailangan na ang makeover sa bawat tao ay kumpleto ang concealer, foundation, blush or bronzer, at least two colours of eye shadow, eye liner, mascara, lipstick or lip gloss, lip liner, and pressed or loose powder.

Sa panayam kay Mary, sinabi nito na upang paghandaan ang kanyang record breaking attempt, pinagpraktisan niya ang kanyang mga kapatid at kaibigan para makuha niya ang tamang bilis sa pagmi-makeup at makarami siya sa maikling panahon.

Sinabi rin nito na kaya niya ito ginawa ay upang maka­pag­bigay inspirasyon sa mga kababaihan na ipagpatuloy lang ang kanilang mga hilig at passion sa buhay.

 

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with