^

Punto Mo

‘Paniki’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

DAHIL sa sinabi ni Lola Angela na mayroong mamamatay kapag nakapasok sa loob ng bahay ang paniki, mula noon kapag alas sais ng gabi ay mabilis naming sinasara ang mga bintana. Ang mga bintana namin noon ay gawa sa kapis. Kahit nga wala pang alas sais ng gabi ay sinasara na namin ang mga bintana para makasiguro na walang makakapasok na paniki sa bahay.

“Totoo kaya ang sinabi ni Lola na may mamamatay kapag nakapasok ang paniki sa bahay?’’ tanong ng kapatid kong si Manuelito.

“Yun ang sabi ni Lola di ba?’’

“Bakit kaya?’’

“Siguro’y dahil ang paniki ay symbol ng kamatayan?’’

“Baka nga!’’

Lalong nadagdagan ang aking takot nang may mamatay sa aming kapitbahay. Sabi ni Lola, may nakapasok daw kasing paniki sa bahay.

“Pero di ba Lola may sakit naman ang kapitbahay natin? Kaya siguro namatay?” sabi ng kapatid ko.

“Basta ang sabi, may nakapasok na malaki at itim na itim na paniki sa bahay nila!”

Hindi na kami nakapagsalita. (Itutuloy)

BAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with