Planet earth, magkakaroon ng ikalawang ‘moon’!

MAGKAKAROON ng ikalawang “moon” ang earth at iikot sa ating planeta na tatagal ng dalawang buwan!

Ayon sa researchers ng Asteroid Terrestrial-impact Last Alert System (ATLAS), namataan nila na may isang maliit na asteroid ang lalapit sa earth at magpapaikut-ikot ito na tila isang moon.

Ang asteroid na tinawag ng mga researchers na “2024 PT5”, ay lumapit sa earth dahil sa gravitational pull ng ating planeta. 

Ang ATLAS ay isang ahensya na nagmo-mo­nitor ng mga asteroid na lu­malapit sa earth. Nakabase ang kanilang research center sa South Africa.

Natuklasan ng ATLAS na nagmula ang 2024 PT5 mula sa Arjuna Asteroid Belt. Naikumpara ng researchers ang 2024 PT5 sa moon dahil ito lamang ang tanging celestial visitor na lumapit sa orbit ng earth na makakakumpleto ng full revolution.

Magsisimula ang pag-ikot ng 2024 PT5 sa Set­yembre 29 at matatapos sa Nobyembre 25 ng taong ito.

 

Show comments