^

Punto Mo

Lalaki na nakabuo nang pinakamalaking robot costume, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG costume designer sa U.S. ang nakapagtala ng world record dahil ginawa nitong pinakamala­king robot costume na base sa isang Japanese anime!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Record na si Tho­mas DePetrillo ang pinakabagong record holder ng titulong “Tallest Gundam Costume”. Ito ay matapos niyang mabuo ang costume replica ng RX-78-2 Gundam robot na may taas na 10 feet and 3 inches.

Ang naturang robot ay galing sa 1979 anime series na Mobile Suit Gundam. Sa panayam kay Thomas, sinabi nito na inabot siya ng apat na buwan bago mabuo ang costume. Mas matagal ang naging proseso sa paggawa nito kumpara sa iba nilang costume dahil bumuo pa sila ng espesyal na double joint para sa tuhod at siko ng robot upang maging realistic ang paggalaw habang suot ito.

Hindi ito ang unang world record ni Thomas pagdating sa costume making. Noong nakaraang mga taon ay natanggap na niya ang titulong “Tallest mobile superhero cosplay costume” dahil sa kanyang Iron Man costume, “Tallest mobile cosplay costume based on a videogame” para sa kanyang Reinhardt costume at “Tallest mobile cosplay costume” para sa kanyang Bumble costume.

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with