^

Punto Mo

‘Hikaw’ (Part 7)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAAKSIDENTE ako kaya biglang napatigil sa pagtatrabaho at umuwi sa Pilipinas. Nakuha ko naman ang mga be­nefits ko pero nag-alala pa rin ako. Hanggang saan tatagal ang nakuha kong  separation. Wala rin naman akong nai-save dahil nga madalas kong ibili ng alahas o mga hikaw ang asawa kong si Melba. Sa tantiya ko, malaking pera ang nagastos ko sa dami ng hikaw at iba pang alahas na nabili ko para sa kanya. Bigla ko tuloy naaalala ang sinabi ng a­king kapatid na babae na dapat ay nag-save ako at hindi lahat ipinadala kay Melba. Napabuntunghininga na lang ako.

Sabi naman ni Melba nang malaman ang pagkakaaksidente ko na aalagaan daw niya akong mabuti once na dumating ako. Huwag daw akong masiraan ng loob. Malalampasan daw namin ang lahat. Magtiwala lang daw sa Diyos. Gagaling daw ako.

Pero kahit sinabi iyon ni Melba, hindi pa rin ako mapalagay at nag-aalala sa mga mangyayari nga­yong wala na akong trabaho. Nadi-depress ako.

Bisperas ng pag-uwi, tinawagan ko si Melba at ipinaalam ang aking kalagayan. Huwag daw akong masiraan ng loob. Naghihintay daw siya sa pagdating ko.

Umuwi akong naka-wheelchair. Sinalubong ako ni Melba sa NAIA. (Itutuloy)

JEWELRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with