Pinakamalaking charcuterie board sa buong mundo, ginawa sa Texas, U.S.A.!

Isang supermarket sa Austin, Texas ang nakapagtala ng world record matapos silang makagawa nang pinakamala­king charcuterie board sa buong mundo!

Kinumpirma ng Guinness World Records na ang Central Market ang pinakabagong world record holder ng titulong “World’s Largest Charcuterie Board” matapos silang makapag-assemble nito na may 1,032 pounds.

Ang charcuterie board ay isang platong pangmeryenda na puno ng iba’t ibang uri ng cold cuts tulad ng prosciutto, salami, chorizo, o ham.

Mayroon din itong keso, tinapay, prutas, mani, at iba pang appetizer. Ito ay karaniwang hinahain sa mga pagtitipon at sine-serve kasama ng wine o iba pang alak.

Ginawa ng Central Market ang malaking charcuterie board na ito para sa pagdiriwang ng kanilang 30th anniversary

Show comments