^

Punto Mo

EDITORYAL - Singilin, mga may kagagawan ng oil spill

Pang-masa
EDITORYAL - Singilin, mga may kagagawan ng oil spill

Sabi ni President Ferdinand Marcos Jr. sa bisperas ng kanyang kaarawan noong Setyembre 13, may mga ulo na gugulong dahil sa nangyaring oil spill sa Limay, Bataan noong Hulyo 24 dahil sa paglubog ng MT Terra Nova. Napinsala ang karagatan at kabuha­yan ng mga mangingisda dahil sa oil spill. Ginawa ni Marcos ang banta nang magmudmod ng ayuda sa mga mangingisda sa Navotas na naapektuhan ng oil spill.

Sabi ng Presidente, mananagot ang mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa paglubog ng tanker na naganap habang nananalasa ang Bagyong Carina. Nakaabot na rin umano sa kaalaman ni Marcos na hindi rehistrado ang tanker. At ang pinakamabigat, isinasangkot ang Terra Nova sa oil smuggling. Ayon sa report, bukod sa Terra Nova, dalawa pang oil tankers ang isinasangkot sa oil smuggling.

Sa isang news forum kamakailan sa Quezon City, tinukoy ni Justice Undersecretary Raul Vasquez ang dalawang oil tankers na MT Jason Bradley at Mirola 1 na sangkot sa oil smuggling. Hindi umano rehistrado ang dalawang tankers at nakapagtataka kung bakit malayang nakapaglalayag ang mga ito na hindi nasisita ng mga awtoridad.

Hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang pagsipsip ng langis sa lumubog na Terra Nova at malapit na umanong matapos ayon sa Philippine Coast Guard. Nasa 1.38 million liters ng langis na ang nasisipsip sa tanker. Patungong Iloilo ang Terra Nova nang lumubog sa ­baybayin ng Limay. Isa sa 17 tripulante nito ang namatay.

Agad naglagay ng mga organic spill boom ang PCG para harangin ang matatapong langis. Ayon sa PCG, hindi naman malubha ang oil spill na dulot ng Terra Nova.

Nararapat na may managot sa nangyaring oil spill. Kahit sinasabi ng PCG na hindi naman daw malubha, dapat ipagpatuloy ang imbestigasyon lalo pa’t lumalabas sa report na hindi mga rehistrado ang tankers at sangkot sa oil smuggling.

Dapat din namang paimbestigahan ni Marcos ang paglubog ng MT Princess Empress noong Pebrero 28, 2023, sa karagatang sakop ng Naujan, Oriental Mindoro kung saan natapon ang 800,000 litro ng langis. Grabeng naapektuhan ng oil spill ang maraming bayan sa Or. Mindoro. Tinatayang P41 bilyon ang pinsala ng oil spill sa probinsiya. Hanggang ngayon may tumatagas pang langis sa tanker.

Lumabas sa imbestigasyon na hindi kargahan ng langis ang Princess Empress at ni-repair lamang sa isang shipyard sa Navotas. Sa kabila nito, binigyan ito ng permiso na makapaglayag sa kabila na hindi kargahan ng langis.

Nararapat na may gumulong na ulo sa mga nangyaya­ring oil spill. Kung walang masasampolan, magpapatuloy ito at maraming masisirang kabuhayan at likas na yaman.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with