^

Punto Mo

Sangkaterbang kaso kakaharapin ni Alice Guo

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kasunod na rin nang pagpayag ng Supreme Court (SC) sa hiling ng DOJ na mailipat ang pagdinig sa kaso ni Alice Guo mula sa Capas, Tarlac Regional Trial Court (RTC) Branch 66 patungo sa Pasig RTC nakatakda na itong maisampa sa linggong ito.

Nabatid na bukod kay Guo, kakasuhan rin ang kanyang mga umano’y business partners, na kinabibilangan ng umano’y POGO “big boss,” na si Huang Zhiyang.

Nauna rito, lumiham si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kay Chief Justice Alexander G. Gesmundo noong Abril 22 at hiniling sa Mataas na Hukuman na mailipat ang criminal case numbers 9855-9857 (PP vs Ma The Pong, Wang Weili, Lang Xu et al.) mula sa Capas, Tarlac RTC patungong Metro Manila.

Malaunan ay pinahintulutan naman ng Korte Suprema ang hiling ni Remulla.

Nagpasalamat naman si Remulla sa SC at sinabing, “I commend the SC for their unwavering commitment to safeguard the laws of the land in order to avoid the miscarriage of justice, the DOJ vows that we will prosecute these cases with burning resolve and integrity.”

Kumpiyansa rin ang DOJ na sapat ang kanilang ebidensiya upang mapanagot ang mga respondents sa mga kasong kinakaharap ng mga ito.

Ayon sa DOJ, ang mga kaso sa ilalim ng Republic Act 9208, o The Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, ay non-bailable at may katapat na parusang habambuhay na pagkabilanggo.

Una na rin namang nailipat ang graft case na kinakaharap ni Guo sa Valenzuela RTC.

Bukod sa qualified human trafficking at graft case, si Guo ay nahaharap rin sa mga reklamong tax evasion at money laundering sa DOJ.

Sa dami ng mga kasong kinakaharap nang sinibak na mayor, malamang wala na itong kalusut-lusot. Kailangang pagdusahan niya ang panlilinlang na ginawa niya sa bansa.

Maliban na lang na kung may kakutsaba na naman ito para makapuga.

SUPREME COURT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with