^

Punto Mo

Lalaki, nakatanggap ng guinness matapos mabisita ang lahat ng Tokyo subway stations sa maikling panahon!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang train enthusiast sa Japan ang nakapagtala ng world record matapos niyang mapuntahan ang lahat ng subway stations sa Tokyo sa loob ng maikling panahon.

Kinumpirma ng Guinness World Records na si Shona Noguchi ang pinakabagong record holder ng titulong “Fastest Time to Travel to all Tokyo subway stations”. Ito ay matapos niyang mapuntahan ang lahat ng 285 subway stations sa record time na 13 hours and 53 minutes.

Ang Tokyo ang isa sa may pinakakumplikadong subway train system sa buong mundo. Habang ang karamihan ng mga istasyon nito ay nasa Tokyo, ang ilan nito ay nasa labas na ng Tokyo metropolis at matatagpuan na sa karatig prefecture na Saitama at Chiba.

Sinimulan ni Noguchi ang kanyang biyahe sa Nishi-magome station ng 8:22 ng umaga. Nakarating siya sa kanyang ika-285 staion na Nishi-takashimadaria ng 10:18 ng gabi. Dahil hindi uso ang train delay sa Japan, hindi siya nagkaproblema na mabilis na matapos ang kanyang record attempt.

Ayon kay Noguchi, ang pinakamahirap na naranasan niya sa record attempt na ito ay ang matagal at nakangangawit na pagtayo. Umabot ng halos 14 hours ang tagal ng kanyang pagtayo sa mga biyahe.

JAPAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with