^

Punto Mo

‘Hikaw’ (Part 4)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

Nakasaad sa sulat ng aking kapatid na babae na madalas daw makita si Melba sa mall at may kasamang lalaki. Sabi ng aking kapatid, hindi raw niya layon na sirain ang aming pagsasama pero mas maganda kung mag-iimbestiga raw ako.

Ilang sulat pa ang natanggap ko mula sa aking kapatid na ganundin ang sinusumbong. Bukod daw sa nakikitang may kasamang lalaki ay magastos din daw si Melba at bili rito, bili roon ang ginagawa.

Nag-isip ako nang malalim. Hindi ako makatulog dahil sa sulat ng aking kapatid.

Totoo kaya ang sumbong na may kasamang lalaki si Melba sa mall?

Totoo rin kaya na masyado itong magastos?

Dahil masyado na akong nag-iisip, tinawagan ko si Melba sa telepono, Hindi pa uso ang cell phone noon kaya kailangan kong magbayad nang malaki para matawagan si Melba.

Hindi ko naman deretsahang sinabi sa kanya ang sumbong ng aking kapatid dahil wala naman akong katibayan.

Basta tinanong ko si Melba kung mahal niya ako.

Sagot niya, mahal na mahal daw ako. Kung maari raw ay umuwi na ako at magnegosyo na lamang kami. Hindi raw siya makakatagal na magkalayo kami.

Sa sinabing iyon ni Melba ay naging matibay ang paniwala ko na hindi siya nagtataksil.

(Itutuloy)

HIKAW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with