^

Punto Mo

EDITORYAL - Kailan sasampolan ang agri smugglers?

Pang-masa
EDITORYAL - Kailan sasampolan ang agri smugglers?

HANGGANG ngayon, ang pangako ni President Ferdinand Marcos Jr. na huhulihin at kakasuhan ang agricultural smugglers ay nananatiling pangako. Una niya itong sinabi sa ikalawang SONA. Pero naka-tatlong SONA na siya ay wala pa ring nasasampolang smugglers. Wala pang “gumugulong na ulo”.

Patuloy ang agri smuggling at lalo pang lumalala ngayong “ber” months. Ito ang magandang panahon para mag-smuggled ng sibuyas, carrots, bawang at iba pang gulay galing China. Hindi lamang vegetable products, pati karneng baboy at iba pag frozen meat products ay ipinapasok din sa bansa.

Noong Biyernes,  nakasamsam ang Department of Agriculture (DA) sa pakikipagtulungan sa Bureau of Customs (BoC) ng smuggled na sibuyas at carrots sa Subic na nagkakahalaga ng P21-milyon.  Ayon kay DA secretary Francisco Tiu-Laurel na ang mga smuggled na sibuyas at carrots ay nakalagay sa limang shipping containers na galing sa China. Ang consignee ng mga produkto ay ang Betron Consumer Goods Trading na dineklarang ang laman ng mga continers ay frozen fish egg balls. Nang inspeksiyunin, sangkaterbang sibuyas at carrots. Pinasasampahan na ng kaso ang may-ari ng mga nakumpiskang smuugled goods. Sabi ni Tiu-Laurel, ang smuggled goods ang salot sa gobyerno sapagkat hindi nagbabayad ng buwis. Malaki umano ang nananakaw ng smugglers sa kaban ng bansa. Banta rin ito sa kalusugan ng mamamayan. Ayon pa kay Tiu-Laurel, ninanakaw din ng smugglers ang kabuhayan ng mga magsasaka.

Kamakailan, nagsampa ng reklamo ang Philippine Competition Commission (PCC) sa 12 traders at importers ng sibuyas bilang “cartel”. Ayon sa PCC, kinokontrol ng traders ang presyo ng sibuyas dahilan para tumaas ang halaga nito.

Ayon sa PCC, nagsimulang pumasok ang traders sa “anti-competitive agreements” para sa suplay ng imported onions noong 2019. Nakipagsabwatan umano ang mga ito para makontrol ang presyo at limitahan ang kompetisyon na lubhang nakasasama sa mga konsyumer at higit sa lahat, sa ekonomiya ng bansa. Ayon sa PCC ang anim na kompanyang kinasuhan nila ay ang Philippine Vieva Group of Companies Inc., Tian Long Corp., La Reina Fresh Vegetables and Young Indoor Plants Inc., Yom Trading Corporation, Vieva Phils Inc. at  Golden Shine International Freight Forwarders Corp. Samantala, ang anim na indibidwal na sinampahan nila ng reklamo ay sina Mark Castro Ocampo, Nancy Callanta Rosal, Lilia Cruz, Eric Pabilona, Renato Francisco Jr. at Letty Baculando.

May gumulong nang ulo sa Immigration dahil sa kontrobersiyal na Bamban mayor, kailan naman may gugulong na ulo mula sa smugglers at mga korap sa Bureau of Customs dahil sa pagpupuslit ng agri products.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with