NASOPLA si 1Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta sa budget hearing noong Martes dahil ipinagdiinan nito na dapat buhayin ang tradisyonal na kortesiya sa pamamahagi ng P2.037-billion budget ng opisina ni Vice President Sara Duterte para sa 2025.
Nalantad na umiiral ang tradisyonal na kagandahang loob ng mga senador at kongresista sa pondo ng Office of the President at Office of the Vice President (OVP). Walang tanungan?
Kaya ba okey lang na may pork barrels at insertions ang mga government projects kahit ine-expose na ito noon ni Sen. Ping Lacson? Give and take nga!
Ang P125 million confidential fund ng OVP na inubos sa loob ng 11 araw noong 2022 ang dahilan. May disallowance report kasi ang Commission on Audit sa P73 million na hindi maipaliwanag kung paano ginastos. Fastbreak expenses ba?
Nauwi sa sumbatan ang naunang budget hearing nang tumbukin ni VP Sara si Sen. Risa Hontiveros na natalo raw sana ito kung hindi niya tinulungan sa Davao. Sumbatera pala si Sara? Nakadidismaya!